Wednesday, November 19, 2008

Pagkaalis ni Villar bilang Senate President pabor daw sa NP

MANILA – Sa halip na malungkot sa pagkakaalis ni Sen Manny Villar bilang lider ng Senado, masaya pa ang ilang kasapi ng kanyang Nacionalista Party dahil matutukan umano nito ang pagpapalakas sa kanilang partido bilang paghahanda sa 2010 elections.

Sinabi ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, tagapagsalita ng NP, na magkakaroon na ngayon ng panahon si Villar na umikot sa mga lalawigan upang patatagin ang NP bilang paghahanda sa 2010 presidential elections.

Iginiit ni Remulla na pulitika pa rin ang nasa likod ng pagpapalit ng liderato sa Senado na pinatibay ng pagsuporta ng iba pang itinuturing “presidentiables" sa pagluklok kay Sen Juan Ponce Enrile bilang bagong lider ng Senado.

Lumitaw sa pinakahuling Pulse Asia survey na mula sa ika-limang pwesto ay pangalawa na si Villar kasunod ni Vice President Noli de Castro.

Nagpahayag din ng pangamba si Remulla na mawala ang pagiging indepedyente ng Senado sa ilalim ng liderato ni Enrile na kilalang kaalyado ng Malacanang.

“It’s regrettable that an independent stance of the Senate leadership results in the ouster of Villar. His allowing the arrest of Bolante and dela Paz is what did him in. But for the so-called members of the opposition to conspire with the administration in the ouster is deplorable. Perhaps his popularity as a presidentiable has become unbearably threatening to those who have moist eyes for the presidency," patungkol ni Remulla kina dating agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc" Bolante at dating Police comptroller Eliseo dela Paz.

Maging sina Bayan Muna Reps. Teodoro “Teddy" Casiño at Satur Ocampo ay nangangamba na makompromiso ang kalayaan ng Senado at makalusot ang planong Charter change (Cha-cha).

“Villar’s replacement by Enrile as Senate President benefits Malacanang. It has the effect of undermining the Senate’s independence and sabotaging ongoing investigations on the fertilizer fund scam and Euro Generals," ayon kay Casiño.

“Obviously, the GMA administration has managed to undermine Villar’s slim majority hold. The presidential elections and Villar’s backing of Bolante and Euro General probe may also be the factors to the coup," hirit ni Ocampo.

Sa kabila nito ay naniniwala si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na magpapatuloy ang pagiging indepedyente ng Senado sa ilalim ng bagong liderato ni Enrile.

“Not really because proponents are mix of opposition and administration senators. The chief beneficiaries are the other presidentiables because playing field now level among the senators aspiring for the highest post and new Senate President Enrile not perceived to be an aspirant in 2010," ayon Angara. gmanews.tv

No comments:

Post a Comment