MANILA – Tiniyak ni Speaker Prospero C. Nograles nitong Sabado na tuloy ang halalan sa 2010 ngunit wala umano siyang balak na pigilan ang komite sa Kamara de Representantes na talakayin ang resolusyon tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
“There will be an election in 2010. There is no proposal to extend the term of anyone," deklara ni Nograles sa isang pahayag.
Sa kabila nito, sinabi ng lider ng Kamara na hindi niya pipigian ang House committee on constitutional amendments na talakayin ang mga resolusyon tungkol sa Charter change sa kabila ng mga pagtutol ng iba’t-ibang sektor.
“We have a Committee on Constitutional Amendments not only in the House but also the Senate precisely to handle proposals pertaining to proposed amendments on the Constitution. As long as it does not interfere with our normal legislative work and will not disrupt our 4 pm sessions, (La Union) Congressman (Victor) Ortega's committee can go ahead in considering proposals on Charter Change," Nograles said.
Kabilang ang inihaing resolusyon ni Nograles sa nakatakdang talakayin ng komite ni Ortega na naglalayong baguhin ang probisyon ng Saligang Batas upang luwagan ang batas para sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa partikular sa pag-aari ng mga lupa.
“My resolution is purely focused on the restrictive economic provisions of the Constitution. We don't want to be left behind as many investors affected by the economic crisis in the US and other countries in Europe are scrambling to look for safe haven and are shifting investments on gold, oil and minerals. Mindanao has all the potentials in these three areas of investments," ayon kay Nograles.
Binigyan-diin niya na hindi kasama sa kanyang resolusyon ang anumang plano na palawigin ang termino ng mga halal na opisyal sa pamahalaang kabilang na si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“There is no single proposal now pending in the Ortega committee that calls for the term extension of any incumbent official," pagtiyak niya.
Idinagdag ni Nograles na kung magkaroon man ng paggalaw sa probisyong politikal sa Konstitusyon ay sesentro lamang ito sa mungkahing federal system of government na nakasaad sa resolusyon ni Sen Aquilino Pimentel Jr.
“ It is important to note that the federalism initiative came from the Senate through Senator Pimentel, a respected Mindanaoan and a prominent member of the political opposition. We may just pick from where Sen. Pimentel started," ayon sa kongresista. gmanews.tv
Naam Shabana Movie Download 2017 Full HD DVDRip
-
Naam Shabana Movie Download 2017 Full HD DVDRip Naam Shabana 2017 Full
Movie Download Watch Online Free. Naam Shabana 720p 1080p HD DVDRip DVDScr
Bluray ...
7 years ago
ang eleksyon ba ay para sa Pilipinas at sa mga pilipino o para sa mga tumatakbo?
ReplyDelete