Wednesday, November 19, 2008

Kudeta vs Villar konektado sa 2010 prexy polls - JDV

MANILA – Kumbinsido si dating Speaker Jose de Venecia na malaki ang kinalaman sa girian ng mga “presidentiables" sa 2010 presidential elections sa pagkakaalis kay Senador Manny Villar bilang pinuno ng Senado nitong Lunes.

“The 2010 presidential elections is very clear, five presidentiables (Sens. Manuel Roxas, Loren Legarda, Francis Escudero, Richard Gordon and Lacson) all go against Villar, that is very clear…to put it very well, (it’s all about) politics," ayon sa dating lider ng Kamara de Representantes nitong Martes.

Idinagdag ni De Venecia na mahirap talagang kontrolin ang liderato sa kapulungan kapag nanghimasok na ang Malacanang.

“Even I, after five terms, I could not control the situation (in the House) once Malacanang’s voted against me," idinagdag ni De Venecia na biktima rin ng kudeta sa kanyang liderato noong Pebrero 2008.

Hinihinalang ang pagtestigo ng anak niyang si Joey De Venecia III sa Senado tungkol sa ZTE-NBN deal ang dahilan kaya pinatalsik sa liderato si Rep De Venecia sa Kamara kapalit ni Speaker Prospero Nograles.

Sa kabila nito ay pinayuhan ni De Venecia ang bagong lider ng Senado si Senate President Juan Ponce Enrile na mag-ingat sa grupo ng bagong mayorya na kinabibilangan ng mga senador na kritiko ng Malacanang.

“Ingat (si) Sen. Enrile because he’s identified with Malacañang and lahat ng bumoto sa kanya eh puro against Malacanang," patungkol ni De Venecia kina Lacson at Madrigal.

Idinagdag nito na sa komposisyon ng bagong mayorya at pagkakaroon ng kanya-kanyang agenda ng mga senador ay hindi umano imposibleng malagay kaagad sa alanganin ang liderato ni Enrile.

“I suppose there’s an undesired convergence of interests because you have Lacson group, Madrigal group etc. They are anti-Malacanang but their candidate is (Sen. Juan) Ponce Enrile who is identified as a stalwart of Malacanang, so there was convergence of interests. Their desire to remove Villar was their primordial interest, so the beneficiary of that overriding interest is Enrile," paliwang ng dating speaker.

Kabilang sa bagong mayorya ang mga taga-oposisyon na sina Sens Lacson, Madrigal, Roxas, Legarda, Escudero, Rodolfo Biazon at Jinggoy Estrada. Kasama rin sa grupo ang mga pro-administrations Sens na sina Gordon, Lito Lapid, Gringgo Honasan, Ramon Revilla Jr, Miguel Zubiri, at Edgardo Angara.

Una ng nagpahayag ng pagdududa si Sen Aquilino Pimentel kung tatagal ang alyansa ng bagong liderato sa Senado na tinawag niyang “masahol" pa sa “halo-halo. gmanews.tv

No comments:

Post a Comment